Linggo, Nobyembre 20, 2011

PAGLISAN

Mali bang bumitaw sa isang relasyong hindi ka na masaya?
Mali bang tigilan na ang kabaliwang minsan mong inasam?
Masisisi mo ba ako kung bigla nalang nagbago ang aking nararamdaman?

Inaamin ko, ako ang unang bumitiw ang siyang unang sumuko
Ako ang siyang unang sumuko sa ating pag-iibigan
Pag-iibigang sa tingin ko'y walang patutunguhan

Ngunit ngayon ako'y nagsisisi sa aking kamalian, sa aking mga maling desisyon
Naisip kong ako'y nagpadala sa sigaw ng aking utak at hindi sa tibok ng aking puso
Hinayaan kung lasonin ng aking utak ang aking puso

Iniwan at binitiwan kita ng walang sapat na dahilan
Nagsumamo ngunit ako'y nagmatigas, sa pag-aakalang ito ang tama
Ngunit isa pala itong napakalaking kamalian

Kung maaari ko lang ibalik ang nakaraan
Upang maitama ko ang mga maling desisyon
At nang maibalik ang dating samahan, ngunit wala..huli na ang lahat!

Masasayang alaala'y parte na lamang ng nakaraan, Nakaraang pilit binubura sa aking isipan
Ngunit bulong ng puso'y kabaliktaran, Patuloy na umaasang maibabalik ang dating samahan
At buhayin muli ang nasirang sumpaan

Subalit paano maibabalik ang dating pagmamahalan
Kung sa kasalukuya'y masaya na sa piling ng iba
Labis ang aking hinagpis at pagdurusa, dahil ika'y di na maaangking muli

Masakit mang tanggapin ang katotohanan, wala akong magawa kundi ito ay tanggapin
Ngunit mahal ito lamang ang natatangi kong kahilingan
Na sana sa aking tuluyang paglisan, maging masaya ka na ng lubusan....

                                                                                                                            nyroksuguitan_03




3 komento: